Pinoy Tales Of Terror Book 8
ANIM NA KWENTO NG KATATAKUTAN
MONSTROSITY IS IN THE HEART
Bago magpakasal, ipinagtapat ni Vince kay Marife na meron siyang dugong malakat, isang uri ng binata.aswang na nanggaling sa Visayas. Nasalinan siya ng dugong malakat para mailigtas ang buhay nang minsang maaksidente. Nakipaghiwalay sa kanya si Marife dahil do'n at nagpakasal sa dating manliligaw na si Rex. Akala ni Marife makakatakas na siya, ngunit sa kanyang pagtakas, doon niya matutuklasan kung sino ang tunay na halimaw.
BLIND LOVE
Bulag ang pag-ibig ni Mylene kaya kahit maraming kapintasan ay na-in love pa rin siya kay Glenn. Ngunit, kung kelan naman siya namulat saka naman naging huli ang lahat.
ABORTION
Gustong ipalaglag ni Troi ang ipinagbubuntis ng kasintahang si Bea. Sa pagnanais na makatakas sa kanyang responsibilidad nagpaikot-ikot siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating siya sa bahay ng kaibigang matagal nang 'di nakita. Doon niya matututunan ang isang importanteng aral at matutuklasan ang lihim na hindi inaasahan.
ETERNAL YOUTH
Guwapo at habulin ng babae, gusto ni Jake na manatiling bata habambuhay. Niligawan at pinaibig niya si Mariz, isang napakagandang babaeng mahigit apat na raang taon nang nabubuhay sa isang liblib na bayan para malaman ang sikreto sa hindi nito pagtanda. Ngunit, hindi lang iyon ang kanyang nakuha at natuklasan.
SPIDER WOMAN
Galit sa mga lalaki si Liezl, isang dalagang nagpapalit ng anyo bilang taong gagamba na naghahasik ng lagim at pumapatay ng mga kalalakihan. Walang makapatay sa kanya dahil nahuhumaling sa kanyang kagandahan ang sinumang magtangkang patayin siya. Isinumpa niyang uubusin ang lahat ng lalaki sa mundo, hanggang sa makilala niya ang isang binata.
GHOST ATTACK
Hanggang kelan magbibingi-bingihan si Roelle
sa palahaw ng mga multo sa kanilang bahay?
Hanggang kelan niya titiisin ang mga pasakit at paghihirap bago tuluyang maniwala?
6.21.2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
pede post u naman sa google ung mga kwento ganda kc eh nabasa q na yan gusto q lang ulitin
Post a Comment