6.15.2006


Pinoy Tales Of Terror Book 7

Limang Kwento Ng Katatakutan

THE GHOST NEXT DOOR
Tulad ni Angeli, nabigo rin si Marc Leo sa pag-ibig. Naging malapit siya rito subalit laking pagkabigla niya nang madiskubreng dalawang taon nang patay ang lalaking naging kaibigan niya. Ano nga ba ang layunin ng multo ni Marc Leo sa pakikipagkaibigan nito sa kanya?

MOTHER'S DAY
Walang nakakaalam na nagawang ipapatay ni Andrew ang sariling ina alang-alang sa babaeng pinakamamahal na si Mariela. Magagawa kayang paghigantihan ng ina ang kanyang anak? O mananatili na lamang bang lihim ang lahat?


THE CURSED KNIFE
Ninakaw ng pilyong si Nathaniel ang isang lumang kutsilyo mula sa isang museo. Natuklasan niyang may kapangyarihan itong lumipad at magpaikot-ikot kapag inutusan. Ngunit, paano kung dumating ang araw na matuklasan niyang ang tunay na kapangyarihan nito ay ang pumatay?


THE BEACH GHOST
Nawawalan na ng parokyano ang Precious Jewel Beach Resort dahil sa balitang pagpapakita ng isang multo sa dagat. Galit na galit ang may-aring si Alota kaya hinamon niya ang multo na makipagtuos sa kanya. Sino nga ba ang magwawagi sa dalawa, lalo kung ang multo ay ang sariling anak niya?


ANGEL OF DEATH
Bumalik si Menandro mula Amerika para manggamot sa pamamagitan ng pranic healing. Ngunit, ang lahat ng napapagaling niya ay misteryoso at isa-isa ring namamatay.
Paano kung ikaw naman ang nagkasakit? Paano ka nga ba makakatakas sa mapanlinlang na kapangyarihan ng taong iyong pinagkatiwalaan?

2 comments:

skywolf said...

thanks sana published kayo ng magagandang kwento ha..............

skywolf said...

amh san gandahan nu rin ang pag_published ha..........